Official Website of Sangguniang Kabataan Barangay Paltic
Back to Announcements
Official Update

Youth Learning Hub

February 25, 2026
Youth Learning Hub
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡:
Matapos ang inagurasyon noong Enero 25, 2026, patuloy nang dinarayo ang Youth Learning Hub, isang ligtas at makabagong espasyo para sa kabataan na may FREE printing, FREE Wi-Fi, FREE access sa computers, access sa textbooks, at study area.

Isang safe space for youth ang hub na layong suportahan ang pag-aaral, talento, at personal na pag-unlad ng bawat kabataan, kasabay ng positibong progreso sa makabagong panahon.

Kabataan ng Paltic, huwag nating sayangin ang pagkakataong matuto, mangarap, at mas paghusayin ang sarili. Nandito ang Sangguniang Kabataan ng Paltic bilang katuwang ninyo sa bawat hakbang ng inyong paglago!
SK Logo

SK Barangay Paltic

Official Announcement

All Announcements